Wala akong bitcoin pero satoshi lang ang meron ako feel ko nga is isa din sa mga regrets ko is yung masyado kong pinag bebenta lahat ng binili kong murang bitcoin at iba pang coin kasi nga solid naging pump nito last ATH nya tsaka di din naman natin masasabi pwedeng mangyari sa market eh kaya risk taking nalang din ang pwede mangyari dito, pero ngayong upcoming bull run for sure marami sa atin ang mag grab ng chance at opportunity na makakuha ng good profit this halving.
Hindi naman natin maalis ang pagbenta ng mga nahagilap nating Bitcoin that time lalo na kung financially unstable tayo. Mas uunahin kasi natin pangangailangan ng pamilya natin lalo na kung tayo ay isang responsableng miyembor ng pamilya na walang inisip kung hindi ang makatulong para maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating pamilya. Kaya ano man ang ginawa natin way back na mayroon tayong BTC para makatulong sa pamilya natn ay wag nating pagsisihan. Ok lang panghinayangan kung sobra sobra talaga ang funds natin noong panahong iyon at binenta pa rin natin ang BTC or altcoins na hawak nating that time. If ever na ganun nga ang ginawa natin before, siguro naman ngayon matututo na tayo nag maghodl para kumita ng mas malaki sa crypto.
Way back 2016, nakahawak ako ng 2 BTC from the payment ng isang signature campaign na hinawakan ko. Binenta ko ito ng worth 28k PHP para pangbayad sa utang namin na tumutubo. Then I got around 96 ETH from a signature campaign na nasalihan ko pero binenta ko pa rin ito sa halagang 15k+ ang isa para pangbayad sa lahat ng utang namin at pangpagawa ng bahay dahil inaanay na bahay nmin at mas malakas pa ulan sa loob ng bahay kesa sa labas dahil butas butas na ang bubong ng bahay namin. Kung iisipin mo napakalaking halaga na sana iyan ngayon pero hindi ko pinanghihinayangan dahil nailagay ko naman sa maayos na matitirhan ang pamilya ko.
Mahaba pa naman ang takbuhin ng cryptocurrency at nasa early stage pa rin tayo kaya hindi pa rin naman huli kung now pa lang tayo magsisimulang mag-ipon o mag-ipon ulit.
