Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Sen. Manny Strikes Again... Creating Dog Themed NFT
by
serjent05
on 06/10/2022, 22:31:33 UTC
Yan talaga ang habol, gamitin lang ang pangalan ni Manny Pacquiao.

Sa dami ng business ni Pacman, di nya na para maasikaso ang mga yan at tingin ko wala naman talaga syang interes. Kumbaga, sge pondohan ni Pacman dahil may potential at bahala na ang mga inutusan niya para i-manage iyon. Ni di nga natin syang makitang vocal sa NFT at sa crypto mismo.

Kung maging success e di good, kung hindi hanap ulit ng ihhype, sa dami ng pera ni Pacman kahit marami syang nagastos nung election, kayang kaya niya magsugal sa mga NFT-related projects.

Sa laki ng pangalan at halos buong mundo eh kilala si Pacman hindi talaga malabong ginagamit lang sya upang marami ang bumili ng mga NFT na ito. at tama ka napaka raming pera ni Pacman at siguradong hindi nya iinidahin kung gumastos man sya sa mga NFT na ito. at siguradong meron syang tauhan upang imanage ang crypto dahil napa busy nyan sa pagsisilbi sa taong bayan.

Iyon nga ang nakakapagtaka, sa laki ng pangalan ni Manny Pacquiao, dapat ang mga projects niya ay well supported at reputed kaso ang nangyari, lahat halos ng mga crypto projects na involved ang name nya ay alanganin at parang puro flops.  Sa tingin ko di naman nagkulang sa fundings iyong mga naunang project nya, naiisip ko tuloy either pineperahan lang si Manny Pacquiao aside from ginagamit ang name nya at hindi talaga capable ang mga people behind sa mga projects na involved si Manny Pacquiao.