Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
lionheart78
on 22/10/2022, 21:40:33 UTC
Marami din akong pinagsisihan na mga bagay na nagawa ko before pero ang importante naman ay natuto ako mga pagmamali na nagawa ko at mas napabuti ko ang aking sarili sa mga bagay bagay.

Gaya din dito sa crypto world may mga crypto coins akong nasayang lahat nabili ko ng mura din marami din akong coins nun tapos yung iba pinangsugal ko gaya ng dogecoins na hindi ko masyadong pinapansin dahil maliit ang halaga hindi mo din akalain na magiging ganoon ang price niya nung nakaraang taon.

Ang Importante naman ay ngayon kahit papaano may mga coins akong hinahawakan pa at hold ko pa ito ng mga ilang yrs bago ko ibenta ito ng paunti unti para naman maranasan ko din maging milyonaryo.
Sa Doge, marami rin ako niyan dati around 2017 ata or 2018 tapos nga nagkaroon ng bear market kaya parang walang gana kaya binenta nalang o di kaya ginamit sa mga walang kwentang bagay. Patuloy lang din tayo sa mga learning experiences natin kahit na medyo tumatagal na tayo dito.
Ganyan talaga ang buhay sa crypto world, may mga panalo tayo at meron din namang mga mas okay nalang na kalimutan kasi nga manghihinayang ka nalang pero wala naman na tayong magagawa.
Grabe kasi talaga nangyari dyan sa dogecoin nung hinype ni Elon at sinupport nya po ito. Buti pa nga kayo kahit papaano nagalaw nyo dogecoin nyo, ako kasi nung nahype at tumaas yung value, naaligaga ako at hinanap ko yung private key na ginamit ko way back 2015-2016 faucet era.

Naalala ko iba iba faucet websites na ginamit ko dati pati yung freebitco.in nag-offer sila ng doge faucet. Kung nahanap at naaccess ko yung mga wallet ko na yun possibly naka1-3million pesos worth ako.

Anyways, sa crypto world lalo na sa mga altcoins, mas maiging wag na magkaroon ng regret kung sakaling bumaba o tumaas as long as nag-gain ka. Sobrang dami ko rin kasing tokens na mataas yung value dati at nabenta ko agad pero yung mga kakilala kong nahold hangang ngayon ay medjo nakaka-disappoint dahil halos lahat bumaba yung value ng sobra.
Same haha hinanap ko din yung wallet ko that time pero naalala ko nasa poloniex at ccex pala yun which is closed exchange na. Medyo hinayang lang din ako kasi free lang binibigay yun sa mga exchange na yun, pag kakaalala ko redeemable code siya na pinamimigay sa chat box before at sure ako na may mga doge ako that time. DOGE hype proves na kahit worthless to no value ang token mo ay dapat kinekeep mo lang sa wallet mo kasi may napakaliit padin na chance na tumaas yung token.

Same here ng pumalo ng husto ang dogecoin, binungkal ko storage box ko para icheck ang mga old HDD ko for dogecoin wallet.  Laking hinayang ko lang dahil nga naging inactive ako sa crypto ng lampas isang taon, hindi ko rin nacheck ang emails ko.  Na miss ko tuloy ang notice of closure ng qoinpro kung saan papalitan nila ang value ng mga coins na nasa exchange nila ng equivalent LTC value.  Way back 2015 ang qoinpro ay isang automatic faucet kung saan daily na makakakuha ng different altcoins like Dogecoin, feathercoin, LTC, btc etc.  na dependent  sa dami ng narifer na taong magkiclaim din sa faucet nila.  More than 5 years din iyong naipon kong mga coins dun, malaki laki sana iyon kung hindi ko namiss ang notice of closure nila dahil nagbigay sila ng time frame para sa claims, ng mabasa ko ay expire na ng 2 months iyong claim notice.