pinakamababang presyo ng Bitcoin na naabutan ko $5 way back 2012-2013. kasagsagan ng kasikatan ng TBN din nun, yun yung mga panahong nagsisimula pa lang sa online at wala pang pambili. hayysss na lang talaga.
Lahat siguro tayo merong regret na hindi nakapag-ipon o nagbenta kaagad pero nangyari na eh, hindi na maibabalik. Pero wag natin hayaang maulit yung nangyari noon dahil meron pa namang pagkakataon para magsimula ulit, at yun ay kung naniniwala ka pa rin na kikita ka sa crypto.
Katulad ngayon nasa bearish season tayo, chance ito para makaipon. Hindi man agad-agad makikita mo ang resulta (dahil nakadepende sa bibilhin mong coins at kung gaano ka katagal mag hold) pero atleast meron ka panghahawakan na kapag dumating ang bull season pwede kang kumita.