Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
Jemzx00
on 27/10/2022, 15:48:01 UTC
Grabe kasi talaga nangyari dyan sa dogecoin nung hinype ni Elon at sinupport nya po ito. Buti pa nga kayo kahit papaano nagalaw nyo dogecoin nyo, ako kasi nung nahype at tumaas yung value, naaligaga ako at hinanap ko yung private key na ginamit ko way back 2015-2016 faucet era.

Naalala ko iba iba faucet websites na ginamit ko dati pati yung freebitco.in nag-offer sila ng doge faucet. Kung nahanap at naaccess ko yung mga wallet ko na yun possibly naka1-3million pesos worth ako.

Anyways, sa crypto world lalo na sa mga altcoins, mas maiging wag na magkaroon ng regret kung sakaling bumaba o tumaas as long as nag-gain ka. Sobrang dami ko rin kasing tokens na mataas yung value dati at nabenta ko agad pero yung mga kakilala kong nahold hangang ngayon ay medjo nakaka-disappoint dahil halos lahat bumaba yung value ng sobra.
Sayang, ang laking halaga sana kaso ganyan talaga sa crypto, hindi natin alam kung kailan tataas ng isang altcoin at kung meron bang magha-hype.
Kaya sa ngayon, mas maganda na stick to bitcoin at eth nalang muna ako at bnb para sigurado kahit papano na merong future proof market. Kawawa rin yung mga naghold ng matagal tapos hindi nakapagbenta nung mataas pa, naaalala ko din may mga altcoins ako dati nung tumaas binenta ko na agad kasi natuto na din ako eh.
Mismo, depende talaga sa market at yung hype na rin ng mga altcoins o tokens kaya hindi na rin ako nanghihinayang o magawang magsisi since sa iba naman ay nakaprofit ako. Isipin mo na lang kung hinold mo lahat ng tokens mo mula noon hanggang ngayon, siguro mangilan-ngilan lang yung may value. Tsaka normal na rin kasi yan sa crypto. Kaya para dun sa mga taong nagsisisi kasi nakapagbenta sila ng maaga at nakaprofit pero hindi sobrang taas, imagine mo yung situation namin na naghold ng sobrang tagal pero nawalan lang ng value.

Sa ngayon talaga, yung bitcoin at ibang major altcoins yung magandang investment lalo't dadating na yung next halving. Pero kung opportunistic ka naman pwede ka rin sumabay sa mga low value tokens na tataas yung value during next bull run.