Mismo, depende talaga sa market at yung hype na rin ng mga altcoins o tokens kaya hindi na rin ako nanghihinayang o magawang magsisi since sa iba naman ay nakaprofit ako. Isipin mo na lang kung hinold mo lahat ng tokens mo mula noon hanggang ngayon, siguro mangilan-ngilan lang yung may value. Tsaka normal na rin kasi yan sa crypto. Kaya para dun sa mga taong nagsisisi kasi nakapagbenta sila ng maaga at nakaprofit pero hindi sobrang taas, imagine mo yung situation namin na naghold ng sobrang tagal pero nawalan lang ng value.
Sa ngayon talaga, yung bitcoin at ibang major altcoins yung magandang investment lalo't dadating na yung next halving. Pero kung opportunistic ka naman pwede ka rin sumabay sa mga low value tokens na tataas yung value during next bull run.
Mas mahirap nga yung ganyang sitwasyon. Dati ganyan ako eh, nakapagbenta ng profit sa hindi gaano kataas na presyo kapag nare-realize ko na swerte pa rin yung ganun kesa naman sa iba na naghold ng sobrang tagal tapos ang ending, nawalan ng value yung holdings nila.
Kaya thankful pa rin sa mga profits na yun, hindi ko naman masasabi na sobrang taas pero at least hindi zero at may kita pa rin, ganyan lang talaga buhay sa crypto, hold malala o benta kapag may profit na.