Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
Jemzx00
on 29/10/2022, 19:10:03 UTC
Ganyan naman talaga dapat mindset natin when it comes to investing sa crypto o ano mang bagay. Profit is profit kahit magkano pa yan at hindi natin kaylangan pagsisihan kung sakaling tumaas pa yung value after natin magbenta dahil hindi naman tayo nalugi.

Tulad nga ng mga nakwento nating na-experience natin, hindi laging good thing kung maghohold ng matagal dahil possible din na malugi yung mga holders kesa sa mga nagbenta ng maaga.
Basta hindi lugi, okay na yun.
Sa iba kasi ang mindset nila dapat maximum profit, ang kaso naman ay napakahirap malaman kung nag top na ba o hindi pa ang isang coin na bibilhin mo.
Kaya hangga't maari, hold kung hanggang kailan mo gusto tapos benta na kapag kailannga mataas man yung presyo o hindi at basta kumportable ka sa pagbebenta mo.
Omsim!

Dapat talaga ganyan mindset natin na kapag nabenta na natin at as long as may profit dapat ma-appreciate na natin yun at wag na maging greedy na magisip ng kung ano ano.
Tulad nga nung lagi namin sinasabi ng mga tropahan, kapag nabenta na pikit na. In short, kalimutan mo na agad. Kung posible, wag mo na tignan ulit para kahit papano kung hindi ka na maapektuhan kung tumaas o bumaba man after mo ibenta.