Balita ko meron daw silang mga mini-games na ilalabas ngayon.
Yun lang tinatamad akong isearch kung ano mga yun haha
Ang nakita ko lang is Halloween Event at simula na iyon ngayon, October 28 pero di ko lang alam anong oras ilalabas.
Pero di na rin ako para sumilip kasi based dun sa nakita kong image, parang di naman related sa game.
Lang hiya yan, Halloween event na hindi related sa game? Laking kalokohan talaga ng mga dev ng MDP. Basta may masabi lang talagang may activity sila no?
At ang nakakatawa pa, hakot pera na naman sila dahil magbebenta daw sila ulit ng V2 eggs na nilangaw talaga mula nung nirelease haha.
May bibili pa kaya nito? Obvious naman na na parang deads na ang development ng game na ito. Parang puro recycle strategy na lang ginagawa nila para gatasan mga players.
Balita ko meron daw silang mga mini-games na ilalabas ngayon.
Yun lang tinatamad akong isearch kung ano mga yun haha
Nagsearch ako kung ano iyong mini game na ilalabas nila, di ko naman makita ang nakita ko lang ay milestone nila:

Di nila malagay iyong milestone ng roadmap accomplishment nila.

Lahat ng na quote mo kabayan parang same lang din yung mararamdaman nung mga taong umasa sa game na to, dadagdagan na lang ng paasa sa mga pinaaggagawa ng dev at kahit anong isip pa ang isipin mo mauuwi ka lang sa isang conclusion, ang patuloy na gatasan ng team ng mga developer yung mga taong umaasa pa sa pwedeng posibleng mangyari sa project na.
Kakailanganin mo ng mas masusing pagsasaliksik sa plano ng mga developer, masasayang oras at pera mo pag nagkamali ka ng desisyon.