Anyways, parang after nung 2017-2018, halos lahat ng mga altcoin campaign either scam o hindi na worth it salihan kasi mababa yung bayad.
Marami pa rin namang medyo ok ang bayaran kahit na altcoin campaign. May mga manager na rin kasi na nag lilimit ng participants lalo na sa signature campaign para maging reasonable ang payment sa mga participants. Andun pa rin naman iyong possibility na makajackpot sa altcoin campaign, iyon nga lang medyo mahirap makatsamba ng ganun klase ng bounty campaign.
Though advisable talaga ang sumali sa Bitcoin signature campaign dahil sigurado ang kita weekly, may mga pagkakataon naman na may susulpot na promising project sa mga altcoin bounties na posibleng magbigay sa atin ng malaking kita.
Tyagaan lang talaga. Ika nga nila kung may tiyaga may nilaga. Ibang iba na nga dati na halos lahat ng bounties worth it salihan and hindi scam kaso ngayon mostly sa kanila scam talaga at sobrang tagal yung ICO nila uma abot ng ilang months di gaya dati na isang buwan lang or hindi pa, tapos na ang campaign at mag sisibayadan na, after a week listed na sa exchange at meron ng value. Ngayon aabot ng 4 months tapos pag minalas scam pa. Pero kung kaya mong pag tyagaan talaga baka maka jackpot ka kaya patuloy lang if gusto mo pero try mong pasukin talaga yung bitcoin signature campaign mahirap pero worth it.