Anyways, parang after nung 2017-2018, halos lahat ng mga altcoin campaign either scam o hindi na worth it salihan kasi mababa yung bayad.
Marami pa rin namang medyo ok ang bayaran kahit na altcoin campaign. May mga manager na rin kasi na nag lilimit ng participants lalo na sa signature campaign para maging reasonable ang payment sa mga participants. Andun pa rin naman iyong possibility na makajackpot sa altcoin campaign, iyon nga lang medyo mahirap makatsamba ng ganun klase ng bounty campaign.
Though advisable talaga ang sumali sa Bitcoin signature campaign dahil sigurado ang kita weekly, may mga pagkakataon naman na may susulpot na promising project sa mga altcoin bounties na posibleng magbigay sa atin ng malaking kita.
Parang ang hirap lang kasi sumali sa mga altcoin campaigns lalo na yung payment ay after the campaign pa makukuha. Sobrang risk yung gagawin para i-promote sila sa forum for more than months tapos at the end of the campaign wala kang makukuha kahit limited yung participants. Unlike dati na kahit matagal yung payment ay worth it dahil hindi agad bumabagsak yung value. Kaya dati andaming paldo paldo kapag altcoin campaign sinalihan dahil worth it kahit hindi weekly payment o kung hindi man mataas value may worth pa rin kahit papaano.
Para sakin parang pagsumali ka sa altcoin campaign, grabe yung risk na baka nagpromote ka for more than a month tapos wala ka makukuha dahil scam o bumagsak na yung value.