Feeling ko nga may mga pumatol pa rin dyan sa mga pa-event nila tapos gumastos para bumili ng mga v2 eggs. Kung tutuusin hindi worth it yung rewards dyan sa event, nung ni-convert ko yung DPET na rewards nila, sobrang baba langya as in hindi talaga worth it yung effort sa pag-edit ng pictures at gumastos para sa mga eggs. Feeling ko nga hindi transparent yung raffle event na gagawin nila dyan.
Siguradong merong sasali sa event nila, free money na kasi kung iisipin. Nagtitiyaga nga iyong iba sa mga faucet at walang value na airdrop, iyan pa kayang may value na sa market kahit mababa. Pero iyong bibili ng V2 pet, sa palagay ko katangahan na iyan. Nakita naman nila ang naging resulta ng mga bumila ng mga V1 pet, naging pang at boss hunt. Kung nagawa nilang baogin ang V1 pet, di rin malayong mangyaring baogin din nila ang v2 pets.
Kahit naman halatang katangahan eh panigurado may naniniwala pa rin sa project nila na napakaworthless na kung titignan. Tsaka kung iisipin hindi sya free money kasi need mo pa mag-edit para sa kakarampot na premyo.
Di kasi mabenta ang v2 eggs at ang dami pa available kaya nagpakulo na naman ang mga devs. Sana nga man lang, doon sa masisipag na naglogin sa 7 days event maayos ang rewards at di kakarampot na pet food. Tapos ang malupit nyan, kahit bumili ka ng v2 eggs, kung may miss login, automatic tanggal na sa raffle haha. Walang consideration sa mga bibili ng maraming eggs if ever meron man.
7 login walang sure reward? Idadaan pa talaga sa raffle? Sana man lang me in-game reward ang makapag perfect attendance tulad ng libreng V2 pet. Wala naman silang puhunan dyan sa V2 pet eh, kaya pwede na sana nilang ipangreward sa mga sumali sa event nila.
Bakit sila mamimigay ng sure rewards kung wala silang makukuha para sakanila? Yun nga yung goal nila na kumita sila sa event nila imbes na para sa community. Imagine na miss-out mo yung first or second days, hindi ka na ilegible para sa mga susunod na araw na rewards.