Masyadong late na mga upgrades ng Coins.ph, simula nung nagtake over si Wei parang medyo na late sila sa progress. Ang akala ko parang mas magiging advance sila at open sa pag-attract ng mas maraming users.
Pero masaklap yung nangyari, madaming accounts ang binabaan ng limits tapos ang daming mga rewards na nabawas, parang nag cut cost sila ng operation nila.
Para sa akin, maganda yung simula niya pero lately, parang biglang nag bago ang priority nila
[imbis na pagandahin nila ang services nila, mukhang naka focus sila sa pag gawa ng mga contests].
Kaya nga eh, hindi nila masyadong naingatan yung momentum ng kasikatan nila. Ngayon parang halatado na hindi na sila masyadong kilala tulad dati na kahit hindi crypto holder o user ay user nila kasi nga dahil sa rebate nila sa loads at payment bills, ngayon wala na yang mga yan.
Kaya isa lang din yan sa dahilan ng pagbagsak nila. Masyado rin sigurong malaki yung na-allocate nila sa partnership nila sa PBA at sa Miss Universe kaso mukhang hindi naman effective sa side nila yung effect ng mga channels na yun.