Tama. Yung rebates nila sa bills at loading ang isa sa mga advantage nila compared sa iba, kasi malaking bagay lalo na kung ginagamit mo yung account mo para sa business. Kaya lang imbis na maging competitive, inalis pa yun na alam naman nating isa sa dahilan kung bakit maraming users ang gumagamit ng coins sa kabila ng paghihigpit. Good luck na lang kapag naging fully functional na ang adoption ng gcash at paymaya sa crypto dahil for sure malalampasan ang coins nga mga to lalo pa maraming users ang coins na nadiscourage ng gamitin ang kanilang service dahil nga sa verification issue.
Madami akong nakitang nagreklamo niyan kasi nga part na ng business nila yung loading at wala pa silang nakitang 10% yung rebate. Posible rin naman na lugi si coins sa ganung deal tapos nagkaroon pa ng shopee load pero parang wala na rin ata ngayon niyan.
Sa dami ng mga opportunities na pinakita nila sa tao, nawala rin konti konti kasi nga parang hindi na nila nalagyan ng pansin kasi paiba na rin ang hassle ng mismong market ngayon at kailangan nilang sumabay kaso sila, parang hindi eh.
Sabagay sobrang daming tindahan dati na ginawang loading business yung coins.ph dahil may patong na sila tapos may rebate pa. Kaso nga lang, napansin ko kadalasan sila dati mag maintenance sa load kaya medjo hassle din sa kapag nagpaload ka sa tindahan kasi dyan lang din sila naasa. Buti yung iba may other option like load via gcash kaso hindi lahat dahil hindi pa masyado uso.