Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: My Defi Pet - DeFi meets NFT
by
Fredomago
on 17/11/2022, 09:49:17 UTC
Hahaha natawa ako dun sa kaching kaching then it's magic hahha, ung tipong after makacollect ng pera eh wala naman mangyayaring malaking development, pero syempre hanggat merong sumusuporta eh talagang maghahanap ng paraan ang dev na makasungkit pa rin ng kaperahan galing sa mga supporters nila.

Yung realization eh dun na lang yun sa dulo, pero hindi parin natin mahuhusgahan kung ano ang nakikita nung mga players at investors na patuloy na tumatangkilik, may sarili silang dahilan at opinyon.
Sa tingin ko lang kaya may mga supporters pa rin sila na hangang ngayon ay umaasa pa rin ng update ay dahil na rin sa malaki-laki yung nainvest nila dati. Mas pinili ko nga rin mag-invest dati rito kesa bumili ng mga teams sa axie at ibang nft game kasi promising yung roadmap at plano nila dati.

Parang yung mga gantong event na pinapakita nila ay para kunwari may update sila at on going pa rin sila. Pero imagine medjo matagal na yung laro nila pero hangang ngayon yung event nila ay hindi in-game. Art contest at Log-in raffle event???
Kakaiba din talaga yung trip ng developers nitong game na to eh noh, pero sabi mo nga meron talagang napiling mag invest dito kesa sa bumili ng axie or iba pang Play to earn na project, naalala ko tuloy ung cryptoblade na mahabang panahon din pinaasa ung mga investors tapos after ng mabilisang pump eh tuluyang nakalimutan na yung game.

Pero itong MyDeFipet nakakakuha pa rin ng pera sa mga old investors ata or meron pa ring bagong nag iinvest at umaasa na may magandang mangyayari sa game na to.
Sa totoo lang hindi ko talaga kayang i-compare ito sa ibang defi games kahit nagdump din tulad ng CB o CryptoBlades. Dito kasi kahit papaano may mga kumita ng malaki kahit hindi sobrang tagal pero dito sa MDP o my defi pet wala talaga eh. Puro paasa tapos wala man lang kumita dito maski yung mga nag-invest ng malaki para sa madaming pets.

May time pa nga na nagsabi sila na magrerelease ng marketplace dahil na rin maraming gustong umalis sa mydefipet pero ang ginawa lang nila pinatagal nila hangang sa wala ng sense magbenta ng pets. 

Grabe siguro out of topic saglit ako kasi isa din ako dun sa natuwa nung biglang humataw si CB kahit papano nakapag labas ng konting kinita bago ulit nadale na ng tuluyan, kaya sanng ayon ako sayo parang mas maganda pang maglaro ng MIR4 naeenjoy mo yung game tapos andaming ways para kumita kung talagang mag aadik kang maglaro.

Balik tayo sa game na ito, wala na ko masasabi aabang na lang ako ng update kung sakali.