Sa technical side, marami tayong hindi expert dyan pero yung mismong use case puwede talaga, mapa notohan, bangko, at iba pang mga industries. Ang main point lang kasi yung pagiging solid na hindi maeedit mga details na nasa record na. Kung sa smart contract, meron bang project na kayang maedit mga details tulad ng nasa mga crypto?
Ang point kasi sa crypto is ung chain mismo. Solid na kasi yan. Hindi na pwede i-edit once nasa chain na. Pero sa coding ng protocol, example sa botohan, pwede kasing matweak ung code, at pag un ang nalagay sa chain, need pa busisiin ang code pra makita kung na tweak or hindi. Smart contract kasi yan mostly kaya dpat macheck ung codes kung public/open source ( pwede ma tweak ng kahit sino), or vulnerable sya sa other attacks.
Ang problema kasi yung sa mga smart contracts. Di ba madami nang mga examples na mga projects na nahahack pa rin sila related sa smart contract nila.
Walang problema sa blockchain, kasi enthusiast din ako at tiwala talaga ako na hindi siya pwede dayain. Pero kapag sa mga smart contracts, dapat mapagkakatiwalaan yung mga developers o yung project na pipiliin at madaming test na ginawa lalo na kung related sa voting at finance.
Sa tingin ko karamihan sa mga nahack na smartcontracts ay inside job. Saka isa pa marami dun sa mga nahack ay minadali, di nanila tinest sa mga glitch at bugs. Kaya ayun madali silang nakitaan ng butas. Aside from that kung hindi naman gagamitin ang smartcontract for financial gain, bagkus gamitin ito sa mga documentations ay wala sigurong mag-iinterest na manghack nito dahil walang kapalit na malaking halaga ang hirap nila.