Good start, pero implementation is hard. Lalo na mga Pinoy ay watak watak sa mga ideology nila. Kapag against ka sa isang President kahit gaano pa kaganda ang mungkahi and goal nito, babalewalain ito at gagawan pa ng issue na kesyo ganito ganyan. Pero sana maging bukas na ang mga Pinoy dito. Kulang tayo sa kaalaman sa investment kya nahuhuli ang Pinoy. Kumbaga parang satisfied na tau sa isang kahig isang tuka, basta makakain now bahala na later.
Yan din ang isang nakikita ko kabayan, yung tipong 6mos ng tapos ang eleksyon eh maraming pinoy ang di pinalad sa kanilang kandidato eh punong puno pa rin ng kapaitan hanggang ngayon, sobra kasi ang pulitika dito, nakakabad trip na minsan, yung dapat eh nagmove on na, eh wala talaga. Yung iba naman parang ang pagunlad sa buhay ay iniasa na rin sa gobyerno. tsk tsk, kaya maiisip mo na pati itong plano na digitalization marai parin ang kontra kesyo gagamitin daw sa martial law etc etc.