Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
peter0425
on 22/11/2022, 04:39:47 UTC
Napanood ko yung ilang interview ni PBBM during campaign time, lagi niyang nasasabi yung tungkol sa digital infrastructure at kaalinsabay nito yung pagiging bukas niya sa crypto currency. Isa na ba itong magandang panimula upang ang Pilipinas at ang Gobyerno ay i-adopt ang Crypto?

BBM on Crypto:

https://www.youtube.com/watch?v=LcEH6O0JbXQ
Though maganda ang mga nababanggit ni PBBM nung panahon ng kampanya pero maalala nating hindi pa sya tuluyang nauupo ngayon may ilang mga araw pa si PDU30 at hanggat hindi tuluyang nauupo si Marcos at inilalahad ang kanyang stand sa crypto eh mahirap na Umasa , but for me magandang panimula ito dahil katulad ni PDU30 na hindi hinadlangan ang crypto sa pinas , sana mas maluwag pa at mas malakas ang maging suporta ng susunod na administrasyon .
Tama ka dyan kabayan, nakaka excite na magkakaroon na ng pagbabago o pag unlad sa bansa natin gamit ang crypto. Naniniwala ako na sususportahan ni PBBM ang hakbang ng crypto sa bansa natin kasama ng kanyang mga supportive na gabinete.

Dahil nabanggit nya ito sa isa sa mga vlogs nya for sure na susuportahan nya ang lumalaking industriya ng crypto sa pinas so for sure goods na goods tayo dito sa nee admin natin. Ang ayaw lang ng iba ay yung proposal na papatawan tayo ng tax pero sakin ok lang naman basta ba makatutulong ito sa bansa at make sure nila na hindi mapunta sa bulsa ng mga buwaya sa gobyerno.

sana in the coming years Mag evolve na ang mga plans na to , at sana din eh bago matapos ang term ni BongBong ay magkaron na ng linaw ang crypto adoption.
medyo mahaba haba na din ang ipinaghintay ng Filipino community considering na isa tayo sa mga unang bansa na kumilala at kumikilala sa kagandahan ng crypto sa ating mga buhay.
naway ang industriya ay hindi lang lumago bagkos ay makapag silbi ng maayos sa tao at sa gobyerno.