Isa sa naiisip ko is Health Care. Pwedeng gamitin ang blockchain technology para mag track o kaya mag tabi ng medical records. Imaginin mo sa araw araw kung gaano karaming medical records ang napproduce sa mga hospital, clinics, etc. Kung may system na pwede pag lagyan ng mga ito na madaling maaccess at secured, ang naiisip ko lang ay blockchain. Sa totoo lang maraming pwede pag gamitin ng blockchain technology, at sa ngayon nasa early stage pa lang tayo ng adaptation, kaya siguro in the near future magagamit na natin to sa pang araw araw na gawain.
Isang malaking advantage kung maiinvolve ang blockchain technology sa healthcare system ng ating bansa. Isa nga yan sa struggle ng mga nasa medical fields. Siguro isa ring magandang paggamitan nito ay ang health insurance ng mga Pilipino. Sana iacknowledge ng gobyerno ang pagaccept ng crypto sa health insurance or magkaroon ng isang company ng insurance na puro cryptocurrency muna ang ipaprioritize. Sa ganitong paraan ay mas makikilala ang crypto sa iba't ibang important fields.