May bagong modus sa FB na gumagamit ng fake coins.ph page nag sesend ng phishing site.
Kahit kailan , pag may nagsend ng Link na hindi natin kailangan ,Importante,or from people we truly knew at hindi natin ma verify sa kanila then never click that link.
sa dami na ng phishing victim for all these years? hindi na bago ang mga ganitong attempt ang problema lang ay meron pa ding mga greedy at sadyang mga gusto kunin ang pananamantala na sa dulo sila ang nagiging biktima.
Common na ang ganitong modus kahit noon pa. Yung mga nabibiktima ng mga ganito malamang hindi aware o sadyang mabilis lang talaga mapaniwala at hindi nag iingat. Sa messenger kahit mga kakilala basta may link na sinesend hindi ko talaga kini click. Mahirap na kasi baka mamaya phishing site yan para ma hack lang ang account natin which is not unusual sa panahon ngayon. Mas maganda talagang mag ingat kesa magsisi sa huli. Hindi lang ito para sa fake coins app kundi in general.