Parang icaccancel nila account ko. pinawiwithdraw nila lahat ng coins ko thru peso na. At di na ako pinagagamit uli ng coins. May na ganito na rin sa inyo?
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong case
[usually, nagfifreeze sila ng funds, tapos binababa nila ang limits once na hindi sila satisfied sa mga nasubmit mong documents]... Nag P2P trading ka ba lately o kaya gambling?
Mukhang isolated case ah kasi talagang mag freeze ang Coins ng account pag may nakita silang violation sa TOS. Pero, this case parang kakaiba lol.
Sobrang common na talaga sa coins.ph yung pagfreeze ng mga account lalo't may madetect silang violation sa account like connection sa gambling. Pero yung kanya ata hindi account freeze, account closure na ata yung sa kanya kaya pinapawithdraw sa kanya ni coins.ph yung laman ng account nya. Sa tingin ko limited time nya lang pwede gawin yun or malolock yung balance nya account.
Parang ganyan yung sa kakilala ko dati kasi subjected to account closure yung kanya tapos pinuntahan nya sa office ng coins.ph at dun pinawithdraw yung laman na blacklisted na sya sa coins.ph at hindi na sya pwede gumamit or gumawa pa ng account sa kanila.
Saken naman binalik sa level 1 yung account ko after a year of being inactive of using their platform. Though minsan ginagamit ko naman yung Coins, especially pag nag papadala ng pera sa mga remittances, pero bihira nalang talaga.
Kaya ayon, mas lalo akong nawalan ng gana gumamit ng Coins lol.
Weird na ganyan nangyari sa account mo just because of inactivity issue lang. Sakin naman, hindi ko nagamit ng more than 2 years dahil huminto ako sa crypto dati pero hindi nila binabaan yung level ko, pero after ko buksan ulit pinagverification process nila for enhance verification daw. Unfair naman ng sayo para ibalik ka nilang level 1 lalo't dumaan ka sa id verification nila.