May bagong issue ako sa coins.ph
Parang icaccancel nila account ko. pinawiwithdraw nila lahat ng coins ko thru peso na. At di na ako pinagagamit uli ng coins. May na ganito na rin sa inyo?
Ano bang naging violation mo? Katulad ng mga unang replies sa taas usually binababaan ang level ng account o i freeze nila ang funds mo. Sa sitwasyon mo fortunately may option ka pa para makuha yung funds mo at hindi na kailangang magpasa ng documents o proof kung san nanggaling yung lumalabas at pumapasok sa iyong account.
Curious lang ako sa violation kasi for sure meron kang nilabag kaya hindi kana nila pinahihintulutang gamitin ang kanilang wallet.
Isa lang yan na nasa TOS nila kung lumabag man siya. Yung mga ganyan, wala ng pag-asa pa na nasa coins.ph ka pa rin kasi nga one time violation lang at terminated na account mo dyan.
Yung iba na nakita ko na ganyan din, galing sa online paluwagan, gambling, scam/fraud, blacklisted exchanges transfers. Yung mga ganyan, basta lahat naman ng terms nila nakalagay dyan. Yun nga lang, di nila sasabihin kung ano ang naging violation mo. Sa ibang local exchange naman natin, sasabihin nila yan kapag tinanong mo pero posible ring sabihin nila na di nila puwede idisclose kasi puwede mong ishare sa iba para ma-avoid nila na maban. Pero ganun pa man, hindi naman na ka-trendy si coins.ph at mas marami ng alternative sa ngayon.