Sa palagay ko lang, yung developers nito wala ng plano na ituloy kung ano yung original na nasa roadmap, nagbabakasakali na lang na makaisip ng pagkaakitaan at magatasan yung mga umaasa pa.
It is possible baka naghihintay na lang din ng final push ng price ng DPET para makapag unload at mag exit scam na.
I doubt na magkakaroon pa ng exit scam tong game na to dahil halos wala naman na silang ma-scam. Pero kung sakaling magrestart sila at gumawa ng DPETv2, yan na yung magiging scam kung sakali.
Yan ang aabangan natin kung sakaling dumating sila sa punto na tahakin yung route na yan at subuking mag reset at mag introduce ng bagong project or upgrade or ewan ko kung ano pang dapat itawag sa ganitong klaseng attempt. Pero syempre alam naman natin ang mga ganitong setup may mentality kasi ang mga investors na pag nakaswerte ka na nauna ka eh chances na kumita or bakasakaling kumita eh susugal talaga sila, kakaawa lang yung maiipit tapos wala ng magagawa kundi umaasa na lang na sana makalabas pa or kahit papano eh kumita or tumabla pa.
Kapag ginawa nila ito, alam na! Hehehe, sa kapalpakan nilang ginawa sa MDP, kung maglaunch man sila ng bagong project malamang wala ng magtitiwala sa mga developers nito. Maliban lang kung magassign sila ng front na di kilala ng mga tao habang sila ang kumikilos from behind at tagaplano.
Umaasa pa yata mga developers ng game na to maka-kulimbat ulit ng funds from players, kaya kung ano-anong gimik nalang ang naiisip para ma hype ulit yung game. Buti naka exit ako ng maaga dito noong kasagsagan ng hype unfortunately dami ring naipit dito lalo na yung mga nahikayat ng mga con-fluencers. Sa ngayon kunti nalang ang nagtitiwala sa mga blockchain games gawa ng nangyari sa mga naunang games unless may makagawa stable game mechanics para manumbalik ang sigla ng mga laro.
Iyong pag release nila ng V2 pet obvious na kulimbat-pondo ang tactics nila dyan. Wala namang problema ang V1 pets bakit need nila mag-issue ng V2, ang normal cause ng isang laro is to release new pets and updgrade the number of possible evolution hindi mag-upgrade ng bagong version ng pet para mapawalang bisa iyong mga nauna.