Sa sarili kong opinyo, medyo unreliable ang mga ganitong project, halos lahat ng nft games na P2E ay di nakabawi, dahil nga siguro na ang mga tao ngayon ay pagkakakitaan ang hanap dahil na rin sa hirap ng buhay, kaya ang mga ganitong programa ay naaabuso, alam natin na marami ng nft games gaya nito ang nagdulot ng pagkalugi ng mga bagong pasok, kaya para sa akin kung early birds ka at may good capital medyo okay ito. At kung gamer ka naman at naeenjoy mo ang laro at di nakatingin sa kung ano kikitain mo, mas maganda.
Ang mga play to earn ay hindi katulad ng mga traditional games na nag-eenjoy ka lang tuwing naglalaro or kung bibili ka man ng gems etc. its up to players kung may kakayanan gumastos. Ang mga play to earn ay may kaakibat na risk at hindi pwedeng basta nalang mag engage kaya marami ang luhaan pag bumagsak ang economy ng laro. Sa ngayon hopefully marami na ang mulat at natoto ng leksyon, marami pa ang kailangan e-improve sa industry ng P2E at sana din hindi lang pera ang priority ng mga developers kundi quality din ng laro.