Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
serjent05
on 08/12/2022, 23:44:22 UTC
Marami satin ng hirap sa buhay kaya hindi na priority ang pag invest. Ang taas ng bilihin ngayon pero ang sweldo ng mga empleyado mababa pa rin, kadalasan talaga ay sapat lang ang kita at kung minsan ay nagkaka utang pa bago pa man makasahod. Kung ganito ang typical na buhay ng isang pinoy maiisip mo pa ba mag invest sa crypto o sa anumang magandang panukala ng gobyerno tungkol dito? Ang priority natin makakain at mabuhay ang ating pamilya kaya kung hirap ka sa buhay at kapos sa pera, kahit gustuhin mo man mag invest at matuto pero kung wala ka naman kapital para dito eh wala rin.

Maganda kung positive ang kasalukuyang administrasyon tungkol sa digital currency. Sakin naman basta hindi tayo higpitan sa paggamit kahit ano pa man ang kanilang plano eh walang problema. Sana lang kahit hindi tayo pare-pareho ng opinyon tungkol sa politiko eh magkaroon parin ng unity para na rin sa ikauunlad ng bansa natin.
Tama ka dyan, ang buhay lang ng karamihan sa atin ay magwork, sumahod at mag survive, kasama na mga pagbabayad ng bills. Kaya hindi natin masisisi yung iba na kahit sabihin nating mag invest sila, di nila magagawa kasi nga di sapat ang sahod nila para sa investments kundi para lang sa pambili ng pangangailangan nila. Pero yan din yung nagiging inspirasyon ng marami para kumawala sa rat race na nakakasawa na ganyan nalang palagi kaya gumagawa sila ng ibang bagay na worth taking ng risk o di kaya nakikipag sapalaran sa ibang bansa para kumita ng mas malaking pera.

Maliban sa kulang ang pera sa pang-araw araw na gastusin, kulang din kasi ang kaalaman ng karamihan sa mga Pilipino tungkol sa investment.  Akala kasi nila pagsinabing investment ay malakingh alaga ang kailangan at agad agad dapat.  Ang hindi kasi nila alam, kailangan din talaga pagplanuhan ang investment dahil andyan ang mga bagay na kailangan pag-isipan ng husto tulad ng time-span, needed na pondo at mga researches na kailangan para sa tinatarget na investment.

About naman sa mga pulitiko, ewan ko ba bakit ang daming taon die hard sa mga sinusuportahann ilang pulitiko to the point na hindi nila susuportahan ang kasalukuyang nakaupong administrasyon.  Actually isa iyan sa nagpapahirap ng mga task ng government, ang pagsalungat sa mga magagandang plano sa hailp na suportahan ito.

With regard naman sa pagiging open ng Admin sa Digital currency, parang di ko naman nararamdaman dahil ilang buwan na ring nakaupo ang pangulo pero wala pa ring update about sa digital currency adoption.  Iyong activity sa Boracay ay initiative ng Private company iyon.