Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
Fredomago
on 13/12/2022, 10:23:45 UTC
Good start, pero implementation is hard. Lalo na mga Pinoy ay watak watak sa mga ideology nila.  Kapag against ka sa isang President kahit gaano pa kaganda ang mungkahi and goal nito, babalewalain ito at gagawan pa ng issue na kesyo ganito ganyan. Pero sana maging bukas na ang mga Pinoy dito. Kulang tayo sa kaalaman sa investment kya nahuhuli ang Pinoy. Kumbaga parang satisfied na tau sa isang kahig isang tuka, basta makakain now bahala na later.
Sang-ayon ako sa mungkahi mo kabayan kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa ating kultura at pagkakaiba-iba. Pero sa kabilang dako, sa tingin ko kaya kulang tayo sa kaalaman pagdating sa investment dahil nagreresist pa tayo sa changes at karamihan sa atin ay hindi afford mag-invest. Kahit pa pursigido ka sa buhay, kung ang kinikita mo ay kulang o hindi sapat para sa pangangailangan mo, hindi mo na priority ang investment.
Marami satin ng hirap sa buhay kaya hindi na priority ang pag invest. Ang taas ng bilihin ngayon pero ang sweldo ng mga empleyado mababa pa rin, kadalasan talaga ay sapat lang ang kita at kung minsan ay nagkaka utang pa bago pa man makasahod. Kung ganito ang typical na buhay ng isang pinoy maiisip mo pa ba mag invest sa crypto o sa anumang magandang panukala ng gobyerno tungkol dito? Ang priority natin makakain at mabuhay ang ating pamilya kaya kung hirap ka sa buhay at kapos sa pera, kahit gustuhin mo man mag invest at matuto pero kung wala ka naman kapital para dito eh wala rin.

Maganda kung positive ang kasalukuyang administrasyon tungkol sa digital currency. Sakin naman basta hindi tayo higpitan sa paggamit kahit ano pa man ang kanilang plano eh walang problema. Sana lang kahit hindi tayo pare-pareho ng opinyon tungkol sa politiko eh magkaroon parin ng unity para na rin sa ikauunlad ng bansa natin.

Ito ang realidad ng buhay nating mga pinoy, yung mga taong may spare pang pera para makapag invest sila yung talagang may malaking pag asang kumita, samantalang sa isang simple at ordinaryong mangagawa, wala na yung salitang extrang pera, mas madalas mo maririnig eh extrang pagkakakitaan pero kahit meron ng sidejob kinakapos pa rin sa sobrang hirap talaga ng buhay ngayon.

Sang ayon ako sa opinyon mo kabayan patungkol sa gobyerno, hindi bale ng medyo mabagal yung progress basta hindi lang masyadong maghigpit at wag hanapan ng paraan para mapagkakitaan, I mean baka kasi makaisip ng paraan para pasukan ng kurapsyon.