<snip>
Although sang ayon naman ako sa gantong batas, sa tingin ko hindi pa tayo ready para sa countrywide na sakop ng ganitong proyekto. Una, yung mga government online systems hanggang sa ngayon ay napaka-baba ng kalidad. Dapat muna nilang planuhin, iimplement, at iupgrade yung mga system, pati narin ang mga tao nila. Sa mga user ng website ng NTC, kamusta ba experience nyo (curious lang, never ko pa kasi ginamit ang website nila eh).
So overall, yung low level ng data security ang pinaka dapat nating ipangamba.
Legit, kung titignan natin kung gaano lang kadali ma-hack yung government websites and servers sa Pinas compared sa ibang bansa ay masasabi mong hindi pa talaga tayo ready sa gantong sistema. Oo maganda yung initiative ng gobyerno para ma-iwasan yung mga random SMS, Scams, Phishing at kung ano anong nadudulot ng pagkakaroon ng maraming SIM card pero mukhang yung risk of data privacy ay mas lalong lalala.
Yung mga paraan kung paano manloko ang mga tao through SMS ay sobrang hirap maiwasan at sa tingin ko mas mageevolve o hahanap lang ng ibang paraan kung paano makakapanloko yung iba lalo't nakaregistered na sa identity ng tao ang kanyang SIM.