Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
arwin100
on 19/12/2022, 22:27:07 UTC
Upside:
  - Potentially less spam from scammers


Downside:
  - Less privacy
  - Another government entity having access to personal data hence👇
  - More potential data breaches (very common sa bansa natin)


In general, it's a no for me. Though unfortunately wala naman tayong choice lol.

Ito talaga ang masakit, kahit na ayaw natin wala talaga tayong magagawa kasi nasa batas na eh. Ako nga nung pagka rinig ko ng balita nito di talaga ako nagka interest masyado chineck ko lang yung post ng mga telco kung pano mag register at kailan ang deadline. Sana nga naman maingatan nila ang data natin (alam nyo na palaging pangako pero nag di-data breach) pero sabi nga ng DITO IT head ba yun na as the years daw goes by mag iimprove daw ang kanilang security so parang sinasabi nila na magkakaroon talaga ng data breach.

Kung privacy iisipin natin medyo not good talaga itong batas ito pero kung lalawakan natin ang ating pag iisip kung bakit ito ginawa at isina batas siguro maiisip parin natin na kailangan narin ito ma implement. Dahil laganap na talaga ang message spam,scamming at iba't iba pang krimen gamit ang isang partikular na sim card at nahihirapan ang awtoridad sa pag sikil sa kanila dahil mahirao matukoy ang pagka kilanlan ng mga gumagawa ng krimen.

At once na na implement yan tingnan natin kung magkakaroon ba talaga ng ngipin yan dahil alam naman natin sa pinas sa una lang magaling at hindi masyado naipapatupad ang batas pag hindi na ito masyadong napag uusapan.