Mabuti naman at may thread na din tayong ganito. Late ko na napansin na marami pala mga merit threads sa global at local na pwede mag-apply kaya pala mabilis yung iba at ang dami pang merits pag mag apply ng sig camps.
Sa tingin ko ay napakataas na ang ating chance magkaroon ng bagong merit source. Ang napansin ko lang kay kabayan crwth ay medyo di na rin siya naging aktibo masyado sa lokal natin. Baka nakulangan sa mga topics na gusto niya lalo na mga technical aspects which is mahirap din talaga sabayan. Sana bumalik siya kasi isa rin ata sa tinitingnan yun. Kung hindi naman at baka pwede may iba pa pwede mag apply tulad ni OP, etc.
Merry Christmas, Happy New Year and Happy Holidays sa inyong lahat mga kabayan!
Oo bro. Bukod sa mga merit source global thread ay mataas din ang circulation ng merit ng ibang mga local board na makikita natin sa stats na ginawa ni Rikafip ibaba. Mataas ang post activity natin dito sa local board natin pero kulelat tayo sa merit distribution since wala tayong merit source or hindi natin pinapaikot ang mga merits natin na nadedecay lang kaya sinimulan ko itong thread para makapag rank up tayong lahat lalo na yung mga aktibo talaga at hindi lang napapansin yung mga post dahil hindi sila gumagawa ng thread.
Base sa graph, Tayo lang ang bukod tangi na local board na aktibo sa posting activity pero napaka baba ng merit na nadidistribute sa mga member.