Una sa lahat Merit Christmas mga tol dito sa ating board. Ngayon ko lang napansin na mayroon na pala tayong ganitong merit thread. Sobrang napag iiwanan na talaga tayo kung merit count lang ang pagbabasehan. Madami akong nakikita sa ibang mga local board kagaya ng Turkey, Nigeria at Russia na madaming newbie ang mabilis na nagrarank kahit na mga normal newbie posting nila dahil laging nagdidistribute ng merit ang mga high rank nila.
Hindi na nila tinataasan ang standard nila at itong mga new user na ito na tumatanggap ng madaming merit ang karaniwang natatanggap sa mga campaign at yung mga old time member na active pero walang merit ay laging naiiwan. Maganda itong merit thread para macompensate ang pagiging walang merit source ng board natin. Sana ay magcontribute lahat at tulungan yung mga low rank natin na napako na yung rank ng matagal na panahon dahil sa kakulangan ng merit.