Plano ko pa naman bumili nito dati para gamitin ng cold wallet para sa future savings ko para diko talaga magalaw pero namahalan ako sa premium para sa plastic card items kaya naginvest nalng ako sa ledger para sigurado. Buti nalang talaga at medyo nagpigil ako that time na bumili lalo na nung nilabas nila yung rare set collection.
Heads up: mga wallet gaya neto at gaya ng Ballet Wallet, para kang nagpagawa ng paper wallet sa ibang tao o sa kompanya meaning, nagkaroon sila ng copy ng private keys mo at one point. Very risky pang long-term holdings for sure.
Sang ayon ako dito, the process sana ng mga ganitong transaction ay sirain ang anumang hawak ng kumpanya na private key ng mga items once the item is done and sealed. Ang problema ang creator ng item ay hindi nya sinira iyong private key bagkus itinago nya ito para pagdating ng araw kung saan kampante ang mga tao at mabenta lahat ng products nila na loaded ay masweep nya ang laman nito ng hindi nalalaman ng buyer.
Kaya after sometime naisipan ng creater na panahon na para kunin iyong mga funds sa loob ng collectibles ng hindi sana nalalaman ng mga holder, nagkataon lang na nilagay ng isang buyer ung address a alert status kapag may transaction na mangyayari kaya aun nalaman agad, ang problema lang medyo late na iyong iba at ang iba naman ay nakiramdam kaya halos nasweep ng creator halos lahat ng funds ng mga collectibles.