Post
Topic
Board Pilipinas
Re: May Cold Key Card holder ba dito? Redeem nyo na ang card nyo!
by
arwin100
on 15/01/2023, 23:56:06 UTC
Nagtataka ako kung bakit imbis na mag hingi siya ng tulong sa mga reputable collectors, pinili niyang sirain ang reputation niya [it's nonsensical]?!

Siguro balak na talaga nyang lisanin ang forum at nag decide nalang din na gawin ang mga bagay nato. Sana ngalang lumapit sya sa forum members kung emergency talaga yung pangangailanhan nya since for sure naman sa reputasyon na meron sya may tutulong naman siguro sa kanya.

May thread din pala na ginawa ang isang member na kung saan sinabi nya na may gambling addiction yung gumawa nito, ito ang thread https://bitcointalk.org/index.php?topic=5434608.0 hopefully di ito ang totoong dahilan dahil napaka saklap talaga nito kung gambling addiction ang rason kung bakit nya nagawang e scam ang mga collectors.
Yun nga ehhh. Pero I don't think na nasa plano niya ito simula palang nun una given na sobrang layo na narating ng Coldkey. May unexpected siguro nangyari like emergency or unless naging blackhearted na siya na gusto niya nalang sirain yung mismong project at ng collectibles industry after niya bitawan yung pagiging head ng coldkey project. Medyo nakakaawa lang situation ngayon ni cygan kasi siya yung isa sa pinakamasisisi or responsible ngayon given na siya na yung project head ngayon. Sobrang laking negativity nito overall especially sa mga holders. Sigurado na ma irerecord ito sa bad history ng cryptocurrency.

Kung di nya nalang sana sinira image nya pati yung project na yan mas malayo pa sana ang mararating nyan since napaka kilala ng coldkey lalo na sa mga collectors. Ewan ko if may pinoy na may collection nyan pero sa pagkakaalam ko if di ako nag kakamali collector ng mga ganyan si @Cointrader. Sana di sya na scam sa ganyan at tsaka napakalaking negative impact talaga nito since yung ibang may ari ng ibang collection ay mag iisip kung safe pa ba sila since nangyari ito sa ibang successful project.