Post
Topic
Board Pilipinas
Re: May Cold Key Card holder ba dito? Redeem nyo na ang card nyo!
by
arwin100
on 17/01/2023, 14:54:15 UTC
Nagtataka ako kung bakit imbis na mag hingi siya ng tulong sa mga reputable collectors, pinili niyang sirain ang reputation niya [it's nonsensical]?!

Siguro balak na talaga nyang lisanin ang forum at nag decide nalang din na gawin ang mga bagay nato. Sana ngalang lumapit sya sa forum members kung emergency talaga yung pangangailanhan nya since for sure naman sa reputasyon na meron sya may tutulong naman siguro sa kanya.

May thread din pala na ginawa ang isang member na kung saan sinabi nya na may gambling addiction yung gumawa nito, ito ang thread https://bitcointalk.org/index.php?topic=5434608.0 hopefully di ito ang totoong dahilan dahil napaka saklap talaga nito kung gambling addiction ang rason kung bakit nya nagawang e scam ang mga collectors.

Grabe talaga ang dulot ng gambling addiction na maski ang reputation mo as a reputable member nitong forum e kaya mo sirain para lang sa pag susugal. Marami na akong kilalang mga financial stable na tao na nasira ang buhay, career at reputation ng dahil sa sugal. Sana mag silbing lesson to para sa ibang forum members. Kawawa yung mga collectors na nabiktima nito at malamang apektado din ang reputation ng buong forum dahil sa naganap.

Naghalukay ako kunti sa post history ni yogg at wala akong nakikita na nag post sya sa gambling section so most provably make up story lang ang thread para may ma point out lang na rason kung bakit nya ito nagawa. Siguro tawag na talaga yun nang pangangailangan dahil nakaya nyang ibagsak lahat pati reputasyon nya sa isang iglap lang.