I agree, pwde kase ibenta ng gobyerno itong mga data ng mga tao sa mga scammers or sa mga sellers.
Upside:
- Potentially less spam from scammers
Downside:
- Less privacy
- Another government entity having access to personal data hence👇
- More potential data breaches (very common sa bansa natin)
In general, it's a no for me. Though unfortunately wala naman tayong choice lol.
I am sure hindi ibebenta ng gobyerno ang mga data ng mga nasasakupan nya. But for sure may mga tiwaling officials na handang labagin ang batas tungkol sa privacy law para pagkakitaan especially iyong mga tiwaling nakaupo sa mga ahensiya na may kinalaman sa datus ng mga tao.
Susceptible din sa hack ang mga data ng tao, kung matatandaan natin, ang comelec website ay nahack at naexpose ang mga information ng mga voters. It is sad to think na despite sa malaking pera na nagastos para isetup ang mga online sites ng gobyerno, hindi nila binigyan prioridad and security ng mga datus. Maaring mangyari rin ang ganitong hacking incident so sana ang ang namamahalang ahensiay para dito ay bigyan ng malaking importansiya ang seguridad ng mga information ng mga magpaparehistro ng knailang sim.
Sundan lang kita dyan sa sentimyento mo kasi para sa kin totoo yan, malaking pera ang nagastos sa pagbuo ng mga online website na
sana ay pakinabangan ng gobryerno natin.
Problema lang dyan eh yun mga tiwaling opisyales or kahit hindi pa opisyal pero may kinalaman sa ahensya, sila itong pwedeng
magamit para salaulain yung magandang intensyon nitong sim registrations.
Sana lang talaga tutukan ang siguridad para hindi masayang yung nagastos at ligtas sa possibleng hack both sides sana internal
or external possibilities.