Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users
by
LogitechMouse
on 18/02/2023, 02:24:54 UTC
Maraming nagustuhan itong bagong update nila since maraming naghihintay nito lalo na napakadami ng Gcash users pero para sa akin, may coins.ph naman na akong ginagamit kaya di ako ganun kaexcite nung nakita ko na may mga selected users nang may access sa GCrypto. Mas hinihintay ko pa yung Global Stocks feature nila dahil sa ngayon, mahirap makabili ng global stocks sa atin at eToro lang ang alam kong app na pwede nating gamitin kung gusto nating mag invest sa mga Global stocks. Mabuti na rin na nilabas nila itong gCrypto para sa mga gustong mag invest sa crypto.

pero madalang itong magagamit but when it comes to storage, very reputable naman yong Gcash, safe naman siguro yong nabiling crypto kahit hindi natin i-transfer sa non-custodial wallet natin.
Hindi pa rin para sa akin. Ayoko pa ring mag-store ng Crypto sa isang non-custodial wallet.
Wala pa akong experience ng nascam or anything na related sa nangyari sa FTX pero for safety purposes na lang rin siguro para sa akin na mas ok i-store ang crypto sa isang custodial wallet.

Sa kabilang banda, panigurado maraming Gcash users ang ihohold lang ito sa kanilang Gcash account dahil may mga taong gumagamit ng Gcash na hindi naman alam ang isang custodial wallet. Sana dagdagan pa nila ang security ng app. Meron nang Biometrics pero mas maganda if lalagyan pa nila ng 2FA para mas secure lalo ngayong dumadami na ang features nila.