Nakita ko nga itong news na ito pero need ko pa parang mag fill up ulit. Hindi ko pa masyadong na explore pero expected ko na na parang Maya din ang service nila.
Ang isa rin sa nakita ko na itong gcash/gcrypto ay powered din siya ng pdax.
Yeah, pareparehas lang yan unless meron talagang feature na ikakaiba nila na mas lalong magpapabango sa Gcash or gcrypto specifically.
Mas sikat naman si gcash kaya may edge sila pero madami din users ng Maya na bumibili ng crypto sa kanila.
Nakita ko nga itong news na ito pero need ko pa parang mag fill up ulit. Hindi ko pa masyadong na explore pero expected ko na na parang Maya din ang service nila.
Ang isa rin sa nakita ko na itong gcash/gcrypto ay powered din siya ng pdax.
PDAX seems to be the good local exchange na regulated, so meaning by activating yung gcrypto wallet need mo mag fill out ulit ng KYC and panigurado pwede mo ren iaccess yung crypto mo sa PDAX which is connected kay gcash parang yung CIMB bank.
Anyway, this is a good progress especially para sa mga gustong magsimula sa crypto pero sana iactivate naren nila yung receive and send para naman mas maging ok at mas maging kapipakinabang.
Isa ang PDAX sa ginagamit ko at gustong gusto ko yang exchange na yan kasi ang bilis lang ng mga trades ko dyan pati ang withdrawal ay instant lang. Siguro nga sa integration na yan, magkaibang magkaiba sila ng process ng Maya at real crypto ang matatanggap ng mga bibili sa gcrypto, kaso yun nga lang need pa rin nila na ininform ang mga users nila na projection value lang makikita nila at hindi muna real crypto unless na pwedeng i-access sa mismong PDAX yung crypto nila.