Totoo ba yung rumour na 5% ang hinihingi nila pag bibili tayo ng cryptocurrency?
Walang 5% transaction fee dahil direct sa PDAX yung pag buy and sell. Probably yung nakikita nila na pag decrease ng initial balance nila the moment na bumili sila ay dahil sa price spread. Sobrang taas kasi ng price spread ng PDAX sa buy and sell kaya sobrang laki ng binababa ng value kung bibili ka dahil sa sell price na based yung crypto value mo same with coins.ph.
Sa tingin ko dun sila sa insane transaction fee kumita dahil sobrang taas ng charges nila. X2 ng normal fee sa mga CEX.
Maganda din pala nakakatakot lang sigurado sa simula lang tong mababang transaction fee pagdumami na ang users sigurado itatake advantage nanaman nila yun para lagyan ng transaction fee. Siguro adjusted na rin ang prices ng market nila then dun na lang nila binawasan at kumikita.
Found this link
https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/beginners-guide-gcrypto-buy-sell-crypto-ph/ as a guide on how to buy and sell sa Gcrypto.
Sayang hindi pa rin available sa lahat ng users hinihintay ko pa ring maging available sa account ko, pasok naman ang account ko sa mga requirements. Maganda siya if mapapaganda ng Gcash itong Gcrypto nila dahil madali lang maglagay ng funds sa gcash so hindi ka na mahihirapan bumili ng Bitcoin dahil dito.