....Ewan ko baka may downsizing din sila sa mga users nila?

lol. ayaw na ata nila ng mga users na may katagalan na at medyo advanced na ang knowledge sa crypto kaya sa trading app siguro pinu-push?... parang gusto na lang nila sa app eh yung mga baguhan na nangangapa pa kung kelan mag buy at sell at di pa alam tumiming. opinion ko lang. todo kasi ang marketing nila ngayon as payment app. paurong ang development nila eh. gusto nilang maging mala gcash for bills payment. samantalang ang gcash at maya nagsisimula nang mag integrate ng crypto.
Sayang lang talaga kasi sila yung pinaka sikat eh at ang dami na nilang partner na financial institutions hanggang sa naging terible na yung service nila. Nag adjust nalang yan din sila na mag focus sa app para sa ibang mga services nila kasi si Maya at Gcash ganun ang style eh at walang focus sa web browser.
Wala, wala na din ako funds sa app nila. Pero kung sa browser ka at sa trading platform nila na coins pro, i-check mo yung account mo na same log in details lang din naman. Kasi yung sa akin, sa trading platform nila(coins pro) level 3 ako at hindi na custom limit to 25k at balik lang din sa 400k. Baka ganyan ginawa nila sa lahat.
sige try ko yung trading. di ko kasi ginagamit yun. napaka laki ng spread. salamat sa advice. regards po sa lahat dito.
Walang anuman, try mo lang din pero hindi pa ako nagta-try ulit mag trade. Ang napansin ko lang at nabasa ko sa ruling nila ay parang dadaan parin ata sa app kapag magwiwithdraw, not sure ha pero kasi dati ganun ginagawa ko bago pa sila magfocus sa app nila.