Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
abel1337
on 07/03/2023, 15:39:16 UTC
Pansin ko parang di na sila yung OG na coins.ph na nakasanay dati at User friendly sa pag gamit ng crypto. Recently tinry ko ulit buksan yung App nila at andaming nag bago including interface na nahirapan ako gumamit since may hinahanap ako na feature na andali ko lang magamit nuong active user pa ako nila. Sa industry nila is unti unti nang nauungusan ang coins.ph at even ako is prefer ko nalang gumamit ng binance kesa sakanila dahil andun na lahat ng hanap ko ehhh. May mga certain advantages lang talaga sila na wala sa binance.

hindi na talaga. yung mga nasa support ang susungit. dati maayos pa silang kausap and napaka responsive nila. kapag may concern ang isang user ngayon parang gusto nila putulin na agad yung conversation. pinagdarasal ko nga na sana magka feature na ang binance ng instant cash out dahil yun na alng ang kulang nila. hindi naman kasi lahat ng users may tiwala sa p2p. pag magkataon na pwede na ang instant cash out sa binance, for sure maraming mag abandon nyang coins.

Dati wala rin akong tiwala sa P2P ng binance pero noong nasubukan ko, OK naman. Madalas ko na siyang gamit ngayon at so far hindi pa naman ako na scam. Madalas kong gamit ay bank transfer pero kapag down, GCash din. Basta ugaliin lang na icheck sa account mo mismo na pumasok yung pera, di naman siguro magkakaproblema. Ano dahilan mo kung bakit wala kang tiwala sa P2P ng binance. Sa ngayon kasi parang sobrang hassle na gamitin ng Coins.ph kaya madalang ko na siyang gamitin. Iniingatan ko lang yung account para maging back up kung sakaling kailanganin.
I wonder if meron pa ba dito na matagal na sa crypto na gumagamit padin ng coins.ph at prefer padin ito over other platforms na nag poprovide ng same service. I want to hear your feedbacks about current coins.ph at yung current experience niyo in actively using coins.ph. About naman sa binance P2P is madali lang naman ma filter out ng scammer dun, nakikita naman natin yung completion rate nila at mas marami yung legit dun kesa sa scammers. Basta wag kang papatol sa buyer or seller dun na onti lang ang orders at sketchy yung trading price na inoofer like sobrang taas ng possible profits mo kasi malaki yung chance na scam sila.