Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
benalexis12
on 23/03/2023, 13:43:14 UTC
Halos sa lahat ng mga network provider sim na ginagamit natin ay alam nila ang impormasyon na meron tayo tapos malalaman din ng ating gobyerno kaya wala ng privacy talaga, sa cryptocurrency nalang tayo meron privacy kahit papaano.
Wala din talaga tayong choice kundi sumunod kahit na marami itong downside. Ngayong araw lang din ako nakapag register ng tatlong sim ko dahil hindi masyadong busy. Madali lang naman pala basta may id ka lang, walang hirap, yun nga lang talagang maraming tanong na what if magkaron ng data breach tapos magamit sa masama yung info natin?

Pero sa huli kailangan talaga nating sumunod. Akala ko matatapos na yung numbers na nagpapadala sakin ng link at free money kuno sa gambling pero hanggang ngayon tuloy pa rin naman hays.

Sa pagkakaalam ko kasi, matitigil lang yung pagsend ng mga link na binabanggit mo sa mga gambling site kapag natapos na ang due date or deadline submission ng mga sim card number natin, Kaya sa ngayon meron kapa rin talaga na mareresib na mga ganyang link, kaya nga diba kahit di pa nakarehistro sim ngayon nakakapagtex at call parin tayo at nagagamit parin natin ang data connection nito dahil hindi pa tapos ang deadline, pero once na natapos ang due date, automatic deactivate na agad ang simcard mo, hindi mo na magagamit mula pang text, call, and internet connection. Irehistro ko narin bukas yung simcard ko mahirap ng mahuli sa registration.