Sa ngayon, napansin ko na medyo nabawasan yung mga spam/scam text messages sa akin at sa madaling salita naging epektib itong sim registration act nila.
Actually, this effect is related sa sms filtering system na ginawa ng mga telco na ni required ng NTC although may nakakalusot pero iilan nalang. Bakit ko nalaman? Kase i'm working on sms provider for marketing, otp, etc. at ang dami ngang filtered na keywords, like .com, Gcash, BDO, ganun na pinapa add ng NTC dahil nga sa kahilanan na may mga ganyan sa mga sms ng mga scammers.
Ang sms registration main purpose naman is para ma identify kung sino-sino ang mag se'send ng mga spam or scsm messages, illegal sheyts etc. At direct or indirect effect nito ay mabawasan din ang mag send ng ganitong sms.
mabuti naman pala kung ganyan yung epekto. sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag rehistro ng sim dahil pinagpaliban ko muna at inoobserbahan ko pa at nakalimutan ko rin hahaha. malapit na pala deadline mukhang kelangan ko na talaga magparehistro.
nung nakaraang buwan andami kong nakikitang mga posts at mga balita patungkol sa Gcash nah nahack dahil sa simcard registration. mostly kasi kasalanan din ng user kasi tinatamad ng basahin yung notification basta-basta nalang register o kaya pasok kahit yung mga link na kiniclick referred lang din sa untrusted na source kaya nabibiktima ng mga phishing at clickbaits.