Sayang pala no? Talagang mahihirapan na naman kung sino man ang susunod na mag aapply satin bilang isang merit source. Dahil kung ako man ang provider ng merits iisipin ko rin na baka may kalokohan na namang gagawin yan o kaya gaya ng sabi nila aabusuhin. Magkakaroon nalang talaga ng pagdududa dahil sa past records pero hopefully payagan sana kasi sa totoo lang ang hirap magpa rank up sa international boards di ko nga alam kung na review ba yung sinubmit ko na posts para ma merit or sadyang hindi lang talaga pasok sa standards nila. Hindi naman sa iniisip natin na dito nalang sa Lokal magpa rank-up kasi may mga posters din kasi dito sa local na deserve mabigyan ng merits specially yung mga threads na nag iispread ng awareness sa mga kabayan natin, tapos mga makabagong labas na platform na available lang sa ating bansa.
Regarding naman dun sa thread ni @cabalism, medyo hindi lang talaga ako agree sa pinagsasabi ni @btcsmlcmnr dun sa 2nd page na
"It is obviously their faults, due to their laziness. It is always easier to stick with the first languages, learning and using second languages are harder, but it worths our time, especially with the International language like English. How locals can read news as in real-time as possible without English? I meant, they can wait for hours or even days later to see original news translated into their first languages by someone in their local community or in their nations. It's too late in crypto, if they are news-hunters, so they have to know English, enough to read."Hindi rin naman sa nagkicriticize ako pero mali-mali din kasi yung sagot nung mga nagreply dadamayin pa humans are lazy. Andaming language na ginagamit dito sa Pilipinas pero when it comes to english, isa tayo sa pinaka fluent mag english sa buong mundo. Kaya kung sasabihin niyang paano tayo babasa ng international news kung magdedepend tayo sa local? ay unrelated na sa topic na merit source application. Lahat tayong mga pinoy nandito ay likas na satin ang pagiging adaptive kaya kung sabihin man din nila na english only of course kaya natin yan. Yung punto nga lang dun is gusto natin ng merit source dahil napakababa lang ng merit distribution natin pati na cycle tapos andaming deserving na topics, threads, awareness at posts na pwede sana nating bigyan ng merit kung meron lang.