Tingin ko pwede naman sigurong gumamit ng "hiram na salita" para mag salin ng wika galing ingles. So much for that, hindi talaga pwedeng pagsabayin ang privacy at batas ng gobyerno. Isipin nyo, gumagamit tayo ng decentralized currency pero dapat yung wallet natin is centralized at kailangan nating ibigay ang personal na impormasyon para maging verified? Diba parang salungat ang dalawa? Habang naglalaro ang gobyerno ng monopolya, mahirap talagang makamit ang sinasabing privacy at ang pag-gamit desentralisadong pera. Hindi naman ako tutol sa pagbibigay ng pribadong impormasyon lalo na at nakasalalay dito ang ating seguridad pero sa storyang eto mag-iiba ang takbo kung sakaling gusto man nilang kumpiskahin ang anumang datos na nakuha nila sa mga rehistradong wallet providers natin kahit paman sabihing non-custodial eto, may posibilidad na tayo ay kasuhan ng laundering kung di natin maideklara kung san o ano man ang pinanggagalingan ng ating pera.