Sa ibang bansa na mahigpit ang sim card registration ay pwede pa din naman makabili ng prepaid sim cards pero sa mga registered business entities kung saan ang magkaroon talaga ng KYC bago ka pwede bumili ng sim card. Hindi rin kasi pwede ipagbawal ang prepaid sim cards kasi what if masira yung dating sim card mo? Lalo na mga sim cards dito sa Pinas minsan bigla na lang mag PUK kahit may load naman.
Registered sim outlet para liability nila ung bibili and para may habulin pa rin yung gobyerno kung sakaling may gagawing hindi maganda yung bibili nung sim card, katulad narin ng nabanggit mo, hindi rin kasi sure kung hindi masisira ung sim card kaya talagang meron pa ring pangangailangan dun sa prepaid for emergency pero malamang sa malamang pili lang talaga at meron ding ibang proseso sa pagbili nung sim card na yun.