Sa ibang bansa na mahigpit ang sim card registration ay pwede pa din naman makabili ng prepaid sim cards pero sa mga registered business entities kung saan ang magkaroon talaga ng KYC bago ka pwede bumili ng sim card. Hindi rin kasi pwede ipagbawal ang prepaid sim cards kasi what if masira yung dating sim card mo? Lalo na mga sim cards dito sa Pinas minsan bigla na lang mag PUK kahit may load naman.
- Iba na kasi yung noon sa ngayon, katulad nitong bagong batas na simcard registration natin na hanggang April 26 nalang 2023 pagdating ng April 27 all dead na lahat, from calling, texting, online payment, social media and etc will be deactivate at once.
Ibig sabihin seryoso ang gobyerno natin sa batas na ito ngayon sa bansa natin. Binayaran pa nga si Maine Mendoza na isang kilalang lokal celebrity na nagpapaalala tungkol sa bagay ng simcard registration sa due date nito. Ewan ko lang kung napapanuod nyo itong commercial na ito.
Nakita ko rin yung commercial na yun at convincing naman. Ini encourage na mag register na bago pa man ang deadline. Pero marami pa rin siguro satin ang hindi pa ito nagagawa, siguro dahil sa duda o sadyang busy pa talaga.
Sa tingin nyo ba mawawala na ang mga scammer? Katulad yung mga natawag at nagpapanggap na bank employee at hinihingi yung mga personal details. Kasi expected ko ganito ang mangyayari or at least mabawasan man lang dahil registered na ang sim at pwede ka ma trace.
Yun ang dapat na mangyari sa palagay ko ha, kasi kaya nga pinaparegister yung sim para iwas sa mga scammers,
alam naman natin na kung may pangalan na bawat sim madali na mattrace yung scammers.
Unless manakaw yung phone or yung number or magpanggap na nanakaw yung sim na yun para magamit sa
illegal na mga gawain.
Pwede kasing mangyari yung ganung pagkakataon eh, pero tignan na lang natin after the deadline.