Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
Fredomago
on 04/04/2023, 05:05:19 UTC
Nope di yan fully na mawawala. Bagkos ay marereduce lamang para sa mga nag tatangka mang scam. Andami pading scammer ngayon na gcash yung gamit diba? Even though KYC verified yung accounts ng scammer is wala naman nagagawa ang gcash o yung biktima para mapahuli yung mga scammers. I think parang magiging ganto lang din kakalabasan ng Sim registration, Malelessen lang yung scamming dito sa pinas pero hindi ito mawawala. Matatalino na scammers ngayon at I think magagawan nila ng paraan yan para makapag spoof ng bagong simcards na hindi sakanila naka pangalan yung sim card. Pero mahihirapan sila kasi for sure may process yan at hindi naman madali gawin yung methods nila kaya isa din yan sa reason kung bakit ma lelessen yung scamming.
May ganyan pala na pangyayari sa Gcash? Di ba dapat matakot yung scammer kasi matitrace yung name nila sa Gcash sa pamamagitan ng number? Kung hindi, ibig sabihin hindi gaano kasecure yung funds natin sa Gcash. Kung ganon, kinakailangan talaga na ipatupad yung batas sa pag rehistro ng mga sim para maminimize talaga yung pang iiscam kasi matatakot na sila na baka mahuli. Kung makapagrehistro na ang lahat, sigurado yung mga spammer mawawala na rin dahil kung hindi, iparereport rin.

Akala ko dati na ang pamamaraan lang sa pag-iiscam sa Gcash ay yung nakikita natin sa mga nagtitrending na mga video sa facebook, na kung saan nanghihingi ng OTP yung kustomer, at sigurado may niiscam talaga na mga tao sa paraang ito dahil sa mga panahon na yun, hindi alam ng karamihan kung ano ang OTP - ito ay One Time Password. Yung iba naman, gagamitan ng emosyon na kunwari totoo talagang nagpadala ng pera, at ipinakita pang resibo. Pero sa ibang pangalan pala pinadala, yung tipong may mali ng pagkasulat sa number, pero yung totoo sa kasabwat pala pinadala.

Kaya magiging additional security pala yung registered sim sa Gcash para maiwasan ang ganyang pangyayari. Pero sigurado may panibagong paraan na naman ang mga scammer.

Parang ung mga kumakalat na news about GCASH eh parang inside job or someone from the company ang gumagawa yung napanuod ko sa news eh bigla na lang nawawala yung pera tapos walang kaalam alam yung may ari ng GCASH number kung paano napadala yung pera nila sa ibang tao, ung isa naman ginamit sa online shopping yung account kasi naka link sa online site yung GCASH nila, sabi ng PNP cyber crime hindi pa sila makikialam kasi sa GCASH daw muna yung imbestigasyon.

Kung nagagawa pa din ng scammer yan kahit na alam naman natin na bago ka makapag transact sa GCASH eh need ng verification pero nakahanap pa din ng butas ung scammer  or baka malalim ung kasabwat sa loob.

Sa Sim registration panigurado makakadagdag din sya sa proteksyon kasi syempre may mattrace ng number at pwede na dun masimulan yung imbestigasyon db?