Ang mga naririnig ko sa iba ay katulad ng mga scams na ilulure ka ng something na sobrang mahirap paniwalaan tapos once na inasikaso mo or binigyan mo ng pansin, yun yung hahatak pa sayo lalo para maiscam pa. Mahirap talagang maniwala sa ganyan at sa tingin ko madami din nabibiktima. Sa tingin ko nga binebenta din nila yung data mo or kung ano man para lang makabenta at makakuha ng pera.
Sa hirap kasi ng sitwasyon at buhay dito sa pinas, maraming mga pinoy na umaaasa na mabigyan ng oportunidad online. Yung iba kapag nakikita nila ito agad agad silang nagtatanong kung ano ang mga requirements para makapasok. Ang nakakabahala lang ay yung pagkuha ng mga tao sa likod ng ganitong modus sa mga personal na impormasyon kagaya na lamang ng emails at phone numbers. Delikado rin kasi sa panahon ngayon lalo na hindi lang kapwa pinoy din ang gustong mag take advantage sa sitwasyon, may mga naririnig nga akong issues kahit sa mga VA job searching sites na halos nagiging alipin na ang turing sa mga pinoy kung pagtrabahuin bilang isang virtual assistant. Di ako sure kung totoo yan pero kung nasabi man nila yan ay malamang may basehan din sila.