+1 ako dito yung data breach ang isa sa napakaselan na isyu dito saka yung spamming na very annoying talaga. Ang kagandahan din kasi is madaling matrace if ever gamitin sa masama ang sim . Ang pinagtataka ko lang eh bakit sa telco tayo magreg hindi ba pwede sa mismong NTC na lang para secure tayo?
Ipinasa na ang paghandle ng registration sa mga sim provider para iwas trabaho sa gobyerno and at the same time eh may maturo silang may kasalanan kung sakaling magkaroon ng data leak ang sistema ng mga providers. Dagdag kita din sa gobyerno iyan dahil panigurado ay pagmumultahin ang mga telco kapag nangyari ang sinasabi ko.
Mas kampante ako na sa telco magregister at sila ang mangalaga ng mga data natin kesa sa gobyerno. Kita nyo naman, mismong data ng comelec ay naleak dahil sa mahinang seguridad ng mga government sites natin. Puro kasi kaktong ang nasa isip ng mga nasa katungkulan dait kaya lahat tinitipid. Kung mapapansin nyo halos lahat ng government page ay halos incomplete ang pagkakagawa.