Hello mga Kababayan,

Welcome back saakin dito forum. LOL

Long time, no post dito sa Bitcointalk Forum dahil nagiba ang focus ko sa crypto kaya hindi na ko active at mas nagfocus ako sa NFTs and sa Twitter about sa latest crypto updates. Kaya nagbabasa-basa lang ako dito noon.
So napansin ko lang din na mukhang nagboom-boom ulit ang mga shitcoins at memecoins ngayon tulad ng $PEPE coin, $WOJAK coin, at $CHAD coin. Sa tingin niyo ba na may chance na mas angatan nito ang DOGE coin at Shiba inu coin bilang isang top meme coin? o kaya may ibang meme coin na mas aangatan ang mga ito?
Siguro active nanaman ang mga shitcoins lalo na ngayon na unti unti ng umiinit ang market at nagkakaroon ng hype, Sa nakaraan pagangat ng presyo ng Bitcoin sa 30,000$ ay maraming mga investors nanaman ang nahikayat na maginvest sa bitcoin at sa cryptocurrency.
Marami ang siguradong naging active ulet sa trading tulad ko, huminto rin ako sa trading lalo na noong bear market at bagsak na bagsak ang presyo dahil wala masyadong paggalaw ang market. Ngayon na umiinit nanaman at patuloy na tumataas ang presyo ng Bitcoin ay nag start ulet ako magtrade, at syempre magaccumulate pa rin ng Bitcoin for the bull run.