So napansin ko lang din na mukhang nagboom-boom ulit ang mga shitcoins at memecoins ngayon tulad ng $PEPE coin, $WOJAK coin, at $CHAD coin. Sa tingin niyo ba na may chance na mas angatan nito ang DOGE coin at Shiba inu coin bilang isang top meme coin? o kaya may ibang meme coin na mas aangatan ang mga ito?
Well, wala namang imposible sa crypto basta nag hype ang isang coin at maraming tao ang sumuporta sigurado aangat yan. Alam naman natin na uso ang FOMO sa shitcoins, pag may na hype ng konti eh talagang sumasabay ang mga investors lalo na yung mga baguhan na sabik kumita ng malaki kahit risky.
Pero yung Doge at Shiba kasi yung nauna at maraming investors ang bumili nyan lalo na ang Doge dahil kay Elon. So sa tingin ko wala na sigurong meme coin ang malalampasan ang Doge kasi kumbaga yan ang primary meme coin na kahit walang real use case eh maraming nagtitiwala.