Welcome back sayo.
Para lang sa akin, tapos na yang mga meme coins na yan. Kung may mga pump man na mangyari sobrang minimal nalang niyan at hindi na diyan iikot ang market.
Kung sa tingin mo maaga ka naman nakapag accumulate ng mga yan, good para sayo at antayin mo nalang mag pump sila sabay benta. Mabilis ang galawan diyan kaya dapat lagi kang nakamonitor. Kung investor ka, yung kaya mo lang mawala ang iinvest mo. At kung libre mo lang nakuha yang mga yan, mas maganda kung ganun kasi effort lang ang talo sayo.
Salamat Kabayan!
Sa aking palagay nagiging katuwaan lang din siguro ng iba ang pagbili sa ng mga shitcoins ngayon upang makasabay sa uso talaga tulad ng pagputok ng mga NFTs last year. Pero nagiging seryoso lang naman ang mga investor sa pag-invest dito kapag napansin nila talaga na biglang angat ang presyo nito o kung may chance talaga sila maka-doble ng pera nila.
Kumbaga ganun na naging galawan ng karamihan sa mga investors, kung saan may hype, doon din sila pero masyadong risky yung ganyang galawan kasi nga sobrang taas ng volatility na tine-take nila. Posible rin talaga na maging seryoso ang mga investors na ganyan na namulat lang sa mga meme coins at narealize nila na parang ganun lagi ang galawan. Mas gugustuhin nila ng secured na investment nila kaya yung iba, kapag kumita na, ita-transfer nila sa bitcoin, eth, stable coins at iba pang mas worth it na crypto.